Taong 1989, sa lugar ng Sta. Ana, Manila, may isang barung-baro tabing riles. Doon may biglang sumigaw, "asawa koooooo!"
Pumanaw ang ama ng tahanan sa karamdamang Tuberculosis. TB na napabayaan. Ang pagpanaw ay siyang hudyat ng pagbagsak ng kanilang buhay. Mahirap na nga, lalo pang dadanas ng kahirapan.
Sabi ng ina, "bakit ikaw pa?!" Sigaw siyang pait na hinagpis. "Maraming masama sa mundo! Bakit iakw pa!?" Katanungang humihiyaw sa impit ng damdamin.
Pagkalibing ng asawa ay s'yang pagpalayas sa kanila.
"Lucing...hala patay na asawa mo! Limang buwan ka kayong 'di nakakabayad, umalis na kayo! Perwisyo kayo! 'Di ako kumukita sa inyo! Hala, alis!"
Walang nagawa ang ina na tahanan. Isa-isang dinampot ang mga kakarampot ng kagamitan at damit. "Tara na mga anak, maghanap tayo ng bahay," sabi ng ina.
Kahit saan ay magkasama--umulan ma o umaraw. Wala na yatang papait sa sakit, puso at isipan paano mabuhay.
"Pedro...Arson, mga anak...tandaan ninyo, anuman angmangyari, mag-aral kayo. Pilitin ninyo magtapos. Ito lang nag yaman na maibibigay ko," sabi ng ina.
"Paano yan 'nay? Saan tayo matutulog, kakain, maliligo? Mga damit natin paano na?" tanong ni Arson.
"Alah kuya, sa simbahan libre kaya duon maligo at maglaba," sabi ni Pedro.
Sa ganung buhay ang nakalakihan nila--ang pakikibaka sa lansangan. Sa gitna ng dilim, ang kalaban ay 'di makita pero sila ay lumalaki ng matalas.
"Nay! Nay! Eto o! Me pasalubong ako," sabi ni Pedro. Kanin at isang pakete ng noodles. Ang simpleng buhay pilit nang nairaos...sumabay sa agos.
Kung minsan, kulang at hindi sapat ang isang pakete ng noodles. Gayunpaman, lumalaki silang may tanda sa isipan.
"Hay, ka gutom naman! Galit na yung mgaa dragon sa tiyan ko ah.. shhhh," kinausap ni Pedro ang tiyan, "konti na lang uwian na sa paaralan ko, kaya, makakakain na ako!"
Pag-uwi sa pamilya, "'Nay! andito na Kuya Arson?"
"Grabe ka naman makasigaw. Ano ba yun?" sagot ni Arson.
"Eh kakain na kasi tayo ng Litson," sabi ni Pedro.
"Wow, totoo ba? Nay?"
"Naku... naniwala ka naman dyan. Eto at handa na noodles tara na kumain na tayo," sabi ng Ina.
Sa ganoong paraan umusad ang buhay at di na nila nagawang mag reklamo pa. Sapagkat ito ay labis na hirap...di maiiwasan...kasiyahan ay minsan lang makamtan.
"Mga anak, konting tiis na lang. Sa pangangalakal ko nakakaipon na ako ng konti pambili ng damit sa gradwesyon ni kuya. Kaya...konti na lang anak," sabi ng ina.
"Hayaaan mo 'nay" sabi ni pedro na lumuluha habang kumakain, "pag nakatapos ako,maghahanap ako ng trabaho kaagad at kukuha ako agad ng mala palasyong bahay na maraming noodles!"
Nagtawanan ang pamilya na para bang walang problema.
Sa sandaling oras na pag-iisa ng kanilang ina, naluluhang naiisip ang mga pinagdaanan ng kanilang mag-anak. Sabi nga niya minsan ang buhay ay parang musika...hangga't nasa tono ito, ay maayos kang tatahak sa landas ng walang balakid.
Halos hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ng asawa--igapang nating mga bata sa pag-aaral. Yan lamang ang yaman ng maibibigay natin.
Sabay bulong "mahal ko, eto at ilang linggo na lang magtatapos na anak mo...giginhawa na tayo," naluluha niyang sambit sa sarili, "magtatapos na tayo sa hirap."
Sa pagbaybay ng nakaraan, lahat ng sakit na naramdaman at pinagdaanan, mga kaapihang dinanas..hinamak ng lubusan...inapi...tinuring na basahan...minsan ang tanong "ito ba ay makatarungan sa buhay? Namumuhay kami ng mahirap at di nahiya sapagkat meron kaming dangal! At di kami hangal!"
"Ngayon eto at ang aking ngiti ay ngiting tagumpay...di lahat ay laging talunan...ngayon kami na ang panalo sa buhay...salamat sa pagsubok," sabi ng ina.
"Nay! Umiiyak ka na naman, masisira make up mo," biro ni Arson. "Graduation ko na, tara na po, mahuhuli tayo!"
"Nay, wag ka na po umiyak," ani Arson.
"Luha ng kagalakan, salamat anak," sabi ng ina.
"Nay...kami..ako magpapasalamat di mo kami binitiwan...i love you, inay!
"O, tara na," aya ni Pedro, "Andyan na ang taxi!"
#tapos/Limbag ng may-akda Grace Nieva --4.18.2021/5:00pm
Mula sa may-akda
Ito ang buhay..may bulag, pipi at bingi...takot harapin ang pagsubok. Pero itong pamilya na ito, mulat sa hirap...pagsubok...ngayon ang buhay ay higit pa sa hinaharap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento