Huwebes, Mayo 20, 2021

Bayad Utang / Bayad Na Utang

Ang mga batang kasing gulang ni Shiela, hayun at pumapasok na sa paaralan. Samantalang si Shiela eto narito. Hindi man lang makaranas mag-aral. Hindi na kasi kayang pag-aralin ng nanay nya. Namatay pa ang tatay nya.

Sabi nga nya "paano na kaya ako? Isang latang sardinas pinag-hahatian pa namin ni nanay hanggang hapunan...mabuti na ito keysa sa wala. Sabi ko nga kay nanay magtitinda na lang ako ng sampaguita sa simbahan o kaya dyaryo at basahan o maglalako ng sigarilyo. Mahal ko kasi si nanay ayaw ko syang nalulungkot o umiiyak. Sabi nga nila ang ina ang s'yang importanteg nilalang sa mundo. Kaya lahat ay gagawin ko mapasaya ko lamang sya, at makatulong ako...ganyan ko sya ka mahal. Siguro, kahit buhay ko ilalaan ko.

Eto ang aking istorya -- Lasing na naman si nanay sa tuwing uuwi. Simula nang namatay si tatay hindi na sya nagbago. Araw at gabi, alak ang mahalaga kesa sa akin. Yung perang kinikita nya sa pag lalabada ipambibili lamang nya na nakalalasing na inumin.

Pumapasok pa lamang s'ya ng aming bahay nang sinalubong sya at lapitan ni Aling Iska, yung bugaw. Pag bubugaw daw ang trabaho nya sabi ni nanay sa akin, pero hindi ko naman alam kung ano ang bugaw. Bubugawin ba ang langaw at lamok? Pwede na yang si sheila ikaw bahala ka! sabi ni Iska habang binibilang nya ang kulay ube nyang pera. Pumasok na si nanay. Umiiyak na naman si nanay at nalaman ko malaki pala ang pagkakautang namin kay aling iska at naniningil na ito na pag hindi kami nakabayad ipapakulong nya si nanay at ayaw ko! Ayaw kong makulong si nanay. Sasama ako kay aling Iska...tutulungan kong makabayad ang nanay ko sa
utang
nya. Humahagugol sabay yakap sa akin ng nanay nang mahigpit...kung pwede nga lang daw sya na lang kaso ay matanda na sya na hindi ko maintindihan kung bakit. Pagbubugaw ba ay dapat bata? E langaw at lamok ang bubugawin ang dali dali lang naman.

Araw ng linggo sinundo ako ni Aling Iska, at ibabalik na lang daw ako pag tapos nang trabaho. Dinala ako ni Aling Iska sa isang restawrant na kahit sa panaginip di ko aakalain na ganun ang dami at ang sasarap ng pagkain! Fried chicken. Pancit spagetti. Cake, ice cream, at kung ano-ano na ngayon ko lang natikman sa tanang buhay ko! Kinurot ko nga ang sarili ko baka nanaginip ako pero talagang totoo ito! Kasama ko si Aling Iska parang hindi mapakali lingon dito lingon duon para bang me hinihintay. Ang sarap palang mag trabaho kay Aling Iska...eto pala ang bugaw...wala namang langaw wala ring lamok!

Maraming taong kumakain. Maya-maya pa ay may dumating na lalaki...matangkad at matangos ang ilong. Mukha syang artistahin! Ang pangalan palanya ay Muram. Isang balik bayan wow mayaman pala kaibigan ni Aling Iska!

Pumunta kami ng Mall at binilhan nya ako lahat ng gusto ko. Binilhan pa niya ako ng bestida, barbie na pinaka-aasam ko eto at hawak ko na. Mamaya pag uwi ko lalaruin ko ito. Sapatos lahat binigay niya! Ngayon ko lang naranasan magkaron ng ganito. Napakasaya ko iku-kwento ko ito kay nanay.

Masaya pala mag bugaw ang daming laruan, puro bago at biglang lumapit si aling iska. “Muram where’s the money?” You gave plenty money because that girl is fresh and innocent virgin!” “Okay okay! I’ll give you twenty thousand."

Nakita ko tuwang tuwa si aling iska at sabi niya saakin “Shiela!! Ibibigay ko yung pera nung nanay mo sweldo mo. Djan ka lang at susunduin kita mamaya ha!” Wag ka mag alala mabait yan si Muram, right muram?” Yes! yes” sabi ni muram. Gabi na pala, hindi ko napansin ang oras. Mula ng umuwi si Aling Iska di pa bumabalik. Ah siguro kasama si nanay magsusundo sa akin. Mag swimming daw kami sabi ni Muram sa bahay niya , siyempre pumayag ako. Ngayon lang ako sa lalangoy sa swimming pool at malinis pa. Hindi sa baha. Ang sarap ng pakiramdam para akong prinsesa! Sana nandito si nanay...mag-eenjoy din siya. Hala sige langoy, swimming pa. Maya-maya pa’y nakalublob na si muram sa tubig lumapit sya sa akin. Sumenyas siyang yakapin ko daw siya at yumakap naman ako at pumunta kami sa malalim na bahagi. Di pala sila magkaibigan ni nanay ko at amoy alak din siya pero iba yung yakap niya di tulad ng yakap ng nanay. Mainit na mainit ang katawan niya at gusto niya akong halikan sa labi ngunit iniwas ko aking mukha. Malalim na ang tubig na halos lagpas tenga niya. Kung bibitaw ako, tiyak na malulunod ako. Sinenyas ko na bumalik kami, pero ayaw niya at parang walang naririnig o nakikita. Gumapang ang kanyang kamay sa aking katawan, dahil duon bumitiw ako. Pero baka malunod ako! Muli akong napayakap. Pero mas masahol pa ang ginawa niya saakin. Binaboy niya ako! Pinagsasampal ko siya ng buong lakas! Natusok ko pa ang mata niya ng aking daliri na naging sanhi ng pagdurugo. Nagalit si muram binitawan niya ako dali-dali siyang umakyat ng pool hawak ang kanyang matang nagdurugo! Pinilit kong lumangoy, hahabulin ang aking paghinga ngunit malalim. Sadyang malalim talaga. Ang dami kong nainom na tubig hangggang unti unti na akong lumubog sa huling balintataw ng aking isipan. “Inay mahal.....


Sinulat ni Grace Nieva

Martes, Abril 27, 2021

Musikang Sablay

Ang Musikang aking naririnig... ay mga walang katapusang hikbi ng puso... mga melodiya ng mga sugatang pangarap... tono ng bawat pirasong nawasak... at mga durog na daloy ng ritmo... ng mga humihikbing tunog... sa namamanhid na umaga. Sa kalawakan ng mga damdaming nakabitin... sa hantungan ng mga nababaog na puso... sa himlayan ng mga piping paalam... ginuguhit sa punit na kalangitan. Saliw ng tugtugin tila sintunado na. Sa mga tipa ng gitara palang bigo s'yang aking nadadarama. Sa pangarap na akala ko ginhawa, isa palang habang buhay na sakit. Ikaw syang gumawa nito.

Tila taon syang dadaanan bago muli makatanaw ng liwanag. May Akda: Grace O. Nieva time-10,29pm date-2-071015

Linggo, Abril 18, 2021

Tatlo sa isang pakete ng noodles

Taong 1989, sa lugar ng Sta. Ana, Manila, may isang barung-baro tabing riles. Doon may biglang sumigaw, "asawa koooooo!"

Pumanaw ang ama ng tahanan sa karamdamang Tuberculosis.  TB na napabayaan. Ang pagpanaw ay siyang hudyat ng pagbagsak ng kanilang buhay. Mahirap na nga, lalo pang dadanas ng kahirapan.

Sabi ng ina, "bakit ikaw pa?!" Sigaw siyang pait na hinagpis. "Maraming masama sa mundo! Bakit iakw pa!?" Katanungang humihiyaw sa impit ng damdamin.

Pagkalibing ng asawa ay s'yang pagpalayas sa kanila.

"Lucing...hala patay na asawa mo! Limang buwan ka kayong 'di nakakabayad, umalis na kayo! Perwisyo kayo! 'Di ako kumukita sa inyo!  Hala, alis!"

Walang nagawa ang ina na tahanan.  Isa-isang dinampot ang mga kakarampot ng kagamitan at damit.  "Tara na mga anak, maghanap tayo ng bahay," sabi ng ina.

Kahit saan ay magkasama--umulan ma o umaraw. Wala na yatang papait sa sakit, puso at isipan paano mabuhay.

"Pedro...Arson, mga anak...tandaan ninyo, anuman angmangyari, mag-aral kayo. Pilitin ninyo magtapos. Ito lang nag yaman na maibibigay ko," sabi ng ina.

"Paano yan 'nay? Saan tayo matutulog, kakain, maliligo? Mga damit natin paano na?" tanong ni Arson.

"Alah kuya, sa simbahan libre kaya duon maligo at maglaba," sabi ni Pedro.

Sa ganung buhay ang nakalakihan nila--ang pakikibaka sa lansangan.  Sa gitna ng dilim, ang kalaban ay 'di makita pero sila ay lumalaki ng matalas.

"Nay! Nay! Eto o!  Me pasalubong ako," sabi ni Pedro.  Kanin at isang pakete ng noodles.  Ang simpleng buhay pilit nang nairaos...sumabay sa agos. 

Kung minsan, kulang at hindi sapat ang isang pakete ng noodles. Gayunpaman, lumalaki silang may tanda sa isipan.

"Hay, ka gutom naman! Galit na yung mgaa dragon sa tiyan ko ah..  shhhh," kinausap ni Pedro ang tiyan, "konti na lang uwian na sa paaralan ko, kaya, makakakain na ako!"

Pag-uwi sa pamilya, "'Nay! andito na Kuya Arson?"

"Grabe ka naman makasigaw. Ano ba yun?" sagot ni Arson.

"Eh kakain na kasi tayo ng Litson," sabi ni Pedro.

"Wow, totoo ba? Nay?"

"Naku... naniwala ka naman dyan. Eto at handa na noodles tara na kumain na tayo," sabi ng Ina.

Sa ganoong paraan umusad ang buhay at di na nila nagawang mag reklamo pa. Sapagkat ito ay labis na hirap...di maiiwasan...kasiyahan ay minsan lang makamtan.

"Mga anak, konting tiis na lang. Sa pangangalakal ko nakakaipon na ako ng konti pambili ng damit sa gradwesyon ni kuya. Kaya...konti na lang anak," sabi ng ina.

"Hayaaan mo 'nay" sabi ni pedro na lumuluha habang kumakain, "pag nakatapos ako,maghahanap ako ng trabaho kaagad at kukuha ako agad ng  mala palasyong bahay na maraming noodles!"

Nagtawanan ang pamilya na para bang walang problema.

Sa sandaling oras na pag-iisa ng kanilang ina, naluluhang naiisip ang mga pinagdaanan ng kanilang mag-anak. Sabi nga niya minsan ang buhay ay parang musika...hangga't nasa tono ito, ay maayos kang tatahak sa landas ng walang balakid.

Halos hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ng asawa--igapang nating mga bata sa pag-aaral. Yan lamang ang yaman ng maibibigay natin.  

Sabay bulong "mahal ko, eto at ilang linggo na lang magtatapos na anak mo...giginhawa na tayo," naluluha niyang sambit sa sarili, "magtatapos na tayo sa hirap."

Sa pagbaybay ng nakaraan, lahat ng sakit na naramdaman at pinagdaanan, mga kaapihang dinanas..hinamak ng lubusan...inapi...tinuring na basahan...minsan ang tanong "ito ba ay makatarungan sa buhay? Namumuhay kami ng mahirap at di nahiya sapagkat meron kaming dangal! At di kami hangal!"

"Ngayon eto at ang aking ngiti ay ngiting tagumpay...di lahat ay laging talunan...ngayon kami na ang panalo sa buhay...salamat sa pagsubok," sabi ng ina.

"Nay! Umiiyak ka na naman, masisira make up mo," biro ni Arson. "Graduation ko na, tara na po, mahuhuli tayo!"

"Nay, wag ka na po umiyak," ani Arson.

"Luha ng kagalakan, salamat anak," sabi ng ina.

"Nay...kami..ako magpapasalamat di mo kami binitiwan...i love you, inay!

"O, tara na," aya ni Pedro, "Andyan na ang taxi!"


#tapos/Limbag ng may-akda Grace Nieva --4.18.2021/5:00pm

Mula sa may-akda

Ito ang buhay..may bulag, pipi at bingi...takot harapin ang pagsubok.  Pero itong pamilya na ito, mulat sa hirap...pagsubok...ngayon ang buhay ay higit pa sa hinaharap.







Bayad Utang / Bayad Na Utang

Ang mga batang kasing gulang ni Shiela, hayun at pumapasok na sa paaralan. Samantalang si Shiela eto narito. Hindi man lang makaranas mag-...